
Humiling ako sa sanlaksang bituin
Na hilumin at langgasin ang puso kong hindi ko alam kung mabubuong muli
O di naman kaya ay hilahing pabalik ang oras
Pabalik sa panahong hindi mo pa ako iniiwan
Sana may kapangyarihan akong wag nalang masaktan
Sana sa simula palang alam ko na ang magiging katapusan
Sana may lakas akong sumumpa sa buwan
Na kung magmamahal akong muli ay hindi ikaw
Pero parang kahit nag iwan ka ng malaking peklat sa puso ko, ikaw pa rin ang pipiliin nito araw araw
Kung dumating ang araw na makita ulit kita
Ipaalala mo sa akin kung bakit kita mahal
Turuan mo ako muling ibigin ka
Ipadama mong muli sa akin na ikaw ang kapahingahan ng aking hapong kaluluwa
Turuan mo ako muling ibigin ka
Para hindi ko maramdamang naiwan akong mag isa
Para sa muling pagtatagpo ng ating mga mata, masabi ko sayo na puede tayong bumalik sa simula