
Palagi kong pipiliin ka
Yan ang sabi ko sa sarili ko
Nung minahal kita
Ngunit sa bawat paglubog ng buwan
At pagsikat ng araw
Parang may nagbago na
Hindi ko na maalala yung huling pagkakataon
Na naramdaman kong mahal mo ako
Hindi mo na ako nakikita
Hindi na kita maramdaman
Anong kulang ko bakit ka nagka ganyan?
Hindi na ikaw yung taong minahal ko
Hindi na ikaw yung taong pinili ko
Naghintay ako ng matagal na panahon
Baka sakaling maalala mo na mahal mo ako
Sobrang tagal napagod na ako
Napagod na ako, oras na para kalimutan ka
Itataas ko na ang puting bandera
Susuko na ako, malaya ka na